Thursday, October 3, 2013

Talata ng Programmer na Nag-Aala-Makata

Ni JC Guzman
September 10, 2013
(Ginawa para sa mga taong gustong maging JAVA Programmer)

Tulad mo, dati rin akong baguhan.
Nagsimula sa wala at kulang sa kaalaman.
Binabalot ng mga tanong ang aking kaisipan.
Di ko mawari ang landas na aking pupuntahan.

Noong una, akala ko'y di ko makakayanan,
Mga pagsubok at dagok na aking pinagdaraanan.
May mga assignment, case study pati mga exam,
Sinasabayan pa ng mga asignaturang tila ba 'di ko kailangan.

Pero wag kang mag-alala, ayos lang yan.
Patunay yan na normal kang nilalang.
Sino ba naman ang taong pinanganak na lahat ay alam?
Di ba lahat nagsimula sa payak at blankong kamalayan?

Kaya kung natatakot ka sa mga bagay na aking tinuturan.
Ngayon pa lang, pag-iisip mo ay iyo nang palitan.
Ang JAVA ay mahirap, kung sa sarili mo'y iyong didiktahan.
Tulad ng isang ibong may pakpak nga, ngunit tinalian naman.

Kaya ngayong panaho'y hawak mo't meron ka pang kalayaan.
Ibaling ang yong diwa sa mga bagay na pwede mong pagkaabalahan.
Lahat ng ito'y di masasayang kung iyo lamang pagyayamanan.
Tandaan natin na ang lahat ng bagay mayroong hangganan.

Simpleng bagay lang ang gusto ko'y iyong tandaan.
Na lahat tayo'y pantay-pantay at mahal ng LUMALANG.
Nilikha tayo na Kanyang wangis at larawan.
Kaya huwag na huwag mong isiping nag-iisa ka lang.

Nais kong ipabatid na lahat tayo'y may kakayahan.
Na 'di lang natin napapansin dahil 'di natin ito pinagbibigyan.
Kaya habang may oras pa, wag mo na sanang pakawalan.
Dahil PROGRAMMER ka, kahit kumontra  pa ang iba dyan.

Tuesday, August 27, 2013

TAXsilog


By JC Guzman
Created: August 28, 2013 11:13AM

Paggising sa umaga, ako'y nagtitimpla ng kape na may tax.
Tapos maliligo gamit ang sabon at shampoo na may tax.
Magsisilpiyo gamit ang toothpaste at toothbrush na may tax.
Siyempre ang mga ito'y sa tulong ng tubig na may tax.

Magpapatuyo gamit ang tuwalyang biniling may tax.
Maglilinis ng tenga, at maglalagay ng papaporma na may tax.
Isusuot ang mga damit at mga gamit na biniling may tax.
Sasakay ng jeep, magbabayad ng pamasahe para sa gasolinang may tax.

Pagdating sa trabaho, di pa rin makakatakas sa tax.
Kakain ng tanghalian na binayarang may tax.
Iinom ng tubig at iba pang inumin na may tax.
Magmi-miryenda ng mga pagkaing may tax.

Pag-uwi, sasakay ng bus at magbabayad ng para sa diesel na may tax.
Pagdating sa bahay kakain ng hapunan na may tax.
Maghuhugas ng plato gamit ang dishwashing paste na may tax.
Maglalaba ng damit gamit ang sabong meron ding tax.

Manonood ng TV gamit ang kuryenteng may tax.
Maghihilamos gamit ang mga bagay na may tax.
Pagdating ng sweldo, makikita mong may kaltas ka para sa tax.
Mababalitaan mo na lang ito'y nakurakot lang, sadyang nakaka-heart attack!

Wednesday, February 27, 2013

Thankful Goodbye


By JC Guzman
Created: February 28, 2013 9:19AM


The time has come to say goodbye,
To the company where I stayed for a while.
Thank you for the knowledge and experience that I acquired.
Including the unforgettable moments which made me smile.

Leaving this kind of company is not that easy.
Especially when you met people who considered you as part of the family.
The team who made the development time in a manner called 'pressure-free',
Where happiness while having an awesome journey is the primary key.

The moment when I was interviewed,
By Ms. Roxanne and the leads of this splendid group,
What came into my mind was a project that's so huge.
'This will be a great journey' is what I conclude.

Since the time I started way back November of 2011,
I enjoyed the environment and the kind of workstation they had given.
The friendly peeps who shown me an easy path to become one of them.
Especially when I lean on them during my frustrations when my code is broken.

It even became exciting when I was assigned to GUI team.
Even though designing a website is hard for me to imagine.
CSS has the capabilities to make a site very impressing.
And when I first used it, I successfully made our page ruined.

As time goes by, designing using CSS was just like a chicken in KFC.
Our page rocks in all browser except in the legendary IE.
The appearance is okay, but it lacks interactivity.
Then I realized: "Oh my gosh! I need to study javascript and jQuery!"

Applying these 3 technologies made the site cool so far
But IE is so troublesome and seems to make war.
It limits your CSS files to 32, and beyond it, the site will be in critical.
Good thing we have Tim Josef Tan who defeated IE thru the use of JAWR.

Being a web developer is quite stressful,
Especially when you check your defect list and you found it full.
All you want is to wipe them out using your technical tools.
And when the defect is not evident, you'll mark it "Not Reproducible" with matching "sipol".

This project made me grow not only in the technical aspect.
It taught me that for everything you do, it's vital to have clear business requirements.
If these business requirements are incomplete and far from being perfect,
Then expect a vast number of defects caused by ambiguous requirement documents.

When the final deployment was made for the project's go live,
Each one of us was excited to see our work in the actual site.
We even received positive and negative customer feedback,
But in general, our dedicated efforts made the prod site rocks.

All in all, we all learned from this spectacular Journey.
We speculate seriously to solve defects easily.

We are very 'bibbo' kids, especially during a party.
We are also thankful to on-site leads, for every lunch out which made us grow horizontally.

As I leave this company, I would like to thank each and every one.
For the opportunity that you've given me during this little span of time.
I came here with simple skills and didn't even think to be someone.
But as I conquer my new endeavor, all the things I knew, I experienced, and I felt will be kept inside me every time.

Tuesday, February 26, 2013

For My truE


By JC Guzman
Created: November 18, 2010 4:18AM

Before, I'm just a simple John,
With a simple dream and a simple plan.
I never intend to love someone,
Until I found you to be my one.

Many people always ask,
Why did I love you so very fast?
You always make my heartbeat rush.
And for that, I want you to be my last.

I admit that you are all my 'first'
And when I see you, my heart wants to burst.
To live without you is like a curse,
That I never wanted to happen because I will be hurt.

For every single day that I'm with you,
I'm like water turned into dew.
You make me feel happy when I am blue,
And you always teach me to perceive life in a different view.

Every single night and day, I always pray,
That you'll just be there and always stay.
Coz I'll go crazy if you go away.
Because I've been loving you no matter what they say.

For all the sins that I have done,
I confess that your trust will be gone.
But you're still there to accept me for what I am.
Even though I'm naughty and lack of wisdom.

I appreciate the way you care
Including the love that you always bear.
I wish this will not turn into a nightmare
Coz I don't know what to do when you're not there

I'm so blessed because I have you.
I never searched but still, I found you.
In all the trials that we've been through,
I can never find another truE just like you!

Tuesday, February 19, 2013

Paalam Twenty One, Hello Twenty Two


Ni JC Guzman
Ginawa: Enero 17, 2013 2:43PM

Sa isang dosena't isang dekada kong paglagi bilang nilalang,
Maraming mga bagay, karanasan at aral na ang natutunan.
Ilang pagsubok, pagkatalo at tagumpay ang nakamtan.
Ngunit marami pa ring tulad ng mga ito ang pagdaraanan.

Una sa lahat, salamat sa Amang Makapangyarihan.
Kung di dahil sa Kanya, walang JC, walang JOHN at walang JUAN
Na inyong nakasalamuha at naging kaibigan,
Sa personal, sa facebook, o maging sa imahinasyon lang.

Nais ko ring magpasalamat kay Nanay at Tatay.
Sa paghubog nila sa akin upang lumaking may takot sa Maykapal.
Maging sa kanilang mga sakripisyo, aral, at lubos na pagmamahal
Na gagawin kong mga halimbawa at di kalilimutan habang nabubuhay.

Pasasalamat din ang nais kong iabot sa mga kapatid kong may ka-kwelahan.
Kay Juan, AC, Jannet at kay Janice na ang Facebook ay hindi nakahiligan.
Maging kina Kuya Ruben, Kuya Erwin, Kuya Gen at mga pamangking may kakulitan.
Salamat sa mga saya, pagdamay at lalong higit sa pagmamahal.

Sa aking kasintahang si Jhen, na tapat sa aming pagmamahalan.
Maraming salamat sa tiyaga, unawa, tiwala at pag-ibig na inilalaan
Mananatili kang inspirasyon sa aking mundong ginagalawan.
At asahang mamahalin ka at mananatiling sa'yo lamang.

Sa mga kamag-anak, maraming salamat at kayo ay nariyan.
Nananatiling inspirasyon, kahit ang pagkikita nati'y once in a bluemoon lang.
Salamat din sa mga naging kamag-aral, kabarkadahan at maging katrabaho man.
Na astig ka-jamming, ka-kwentuhan at kasama sa mga kakulitan.

Sa The Journey na nabigay sa aking ng mga di malilimutang karanasan.
Mga karanasang maaaring ipagmalaki at ikarangal kaninuman.
Salamat sa mga konsiderasyon, lunch out at pagsasamahan,
pati na rin sa pagsakay sa ilan kong mga kalokohan.

Marami pa ang gusto kong pasalamatan ngunit nagwawala na ang aking tiyan.
Nagmamakaawa na ito na lagyan ko na ng laman.
Kaya wag nang magtaka sa paglobo ng aking katawan.
Dahil pag ang diet ay napabayaan, ang pagkain ay libangan na lang..

P.S.
Salamat kaibigan sa oras na iyong inilaan :)

Walang Ibong Ipinanganak Na Kayang Lumipad Agad


Ni JC Guzman
Ginawa Oktubre 5, 2012 6:42pm

Sa mundo kung saan ipinanganak kang walang saplot sa katawan.
Hindi mo mararating ang estado mo ngayon kung di ka nila ginabayan.
Sila ang mga taong naging dahilan ng tinatamasa mo sa kasalukuyan.
Sapagkat kanilang pinunan ang kumakalam na karne sa loob ng yong bumbunan.

Ano nga ba ang buhay kung walang karunungan?
Bakit tayo pumasok ng higit sa katorseng taon sa loob ng paraalan?
Ito'y dahil ba gusto nating maisakatuparan ang mga bagay na nais nating makamtan?
O dahil nais lang nating mabuhay na may kaginhawaan?

Lahat ng mga tanong na yan, siguro'y nabigyan mo na ng kasagutan.
Ngunit bilang indibidwal na binigyan ng kakayahan upang may matutunan,
At bilang isang estudyanteng nangangarap habang walang maisip na sagot sa exam,
Mapagkumbaba at lubusan akong nagpapasalamat sa mga NAGING GURO ko sa loob at labas ng paaralan! :)

May mabait, masipag, magaling magturo at mahirap magpa-exam,
Meron ding masungit, palatawa, at parang pangalawa mong magulang.
Yung iba'y di mo makasundo at di mo hiyang ang paraan,
Kaya naman hinahanapan mo pa ng palayaw, alias at iba pang katawagan.

Iba't iba man ang kanilang mga ugali, paraan at pamantayan,
Iisa lang ang gusto nilang matiyak bago sa iyo'y magpaalam.
At ito'y sa kabila ng konting sahod kung ikukumpara sa ibang bayan,
Hiling nila na magamit mo ang mga natutunan sa paglilok ng iyong kinabukasan.

Marami pa akong gustong sabihin ngunit ang oras ay kulang.
Hindi sapat ang tulang ito upang ang mga sakripisyo nyo'y tumbasan.
Kulang ang salapi sa inyong serbisyong di mapapantayan.
Pero sana sa munting sulatin na ito, kayo'y aking naparangalan.

Muli, lubos ko po kayong pinapasalamatan.
Mga gurong naging bahagi ng aking pakikipagsapalaran.
Di tiyak ang aking magiging kinabukasan,
Kung di nyo ako binahagian ng inyong kaalaman.

HAPPY TEACHER's DAY PO MGA SIR AT MA'AM! ",)

Lihim Ng Isang MUC-EDUAL


Ni JC Guzman
Ginawa:  Marso 19, 2011 3:06am

Ito ay isang katha na hindi sinadya
Bigla lang umusbong sa diwa ng may-akda
Nais lang ipaalam kung saan nagsimula
At ano ang bunga ng kanyang pagtitiyaga

Noong una, inakala nyang di nya kaya
Mga quizzes at exam, baka di maipasa
Tiwala sa sarili'y di sukat makita
"Imposible! Imposible!" Yan ang 'ika nya

"Basta makatapos!" Motto nya nung umpisa
Ngunit lumipas ang isang semestre, resulta ay nakita
Siya'y biglang nagulat sa mga markang nakuha
"Sa 'kin ba talaga to?", ang naging tanong nya

Hindi nya inakalang, kakayanin niya pala
Na magkaroon ng gano'ng grado, sa mga asignatura
Tiwala sa sarili'y, unti-unting umusbong na
Kaakibat ng pananampalataya sa ating Dakilang Ama

Sa loob ang apat na taon, sya'y naging abala
Naghanap ng kaalaman, oras ay 'di inaksaya
Maraming mga pagsubok, ang naranasan nya
Para makamit ang pinapangarap na diploma

Marami ring tao, ang naging dahilan nya
Mga kaklase, kaibigan at mga kakilala
Pati mga profesor, maging kanyang pamilya
Upang makuha kung ano ngayon ang meron nya

Dahil sa pagtitiyaga, CUM LAUDE ang ginantimpala
Hindi nya inakala, na magkakaroon ng gano'ng himala
Sumukli sa mga kasawian, na dati nyang tinamasa
Salamat sa Diyos na lumikha, dahil tunay Syang mapagpala

Hanggang dito na lang ang tula ng may-akda
Na isinulat para sa mga nagsumikap bumasa
Kayo nawa'y may aral at pananaw na nakuha
Mula sa mga diwang ibinahagi mula sa isip ng may-akda